Karunungan ni Solomon 15:8
Print
Ang magpapalayok ay isang tao lamang. Hindi pa nagtatagal na siya'y nilikha mula sa alabok, at pagkatapos ay magbabalik uli sa alabok na pinanggalingan, kapag binawi sa kanya ang hiram niyang buhay. Ngunit inaaksaya niya ang pagod at talino sa paglikha ng isang diyus-diyosang walang kabuluhan mula sa putik na ginagamit niya sa paggawa ng palayok.